Ipinanganak noong January 28, 1999, si Harvey Leigh Cantwell o mas kilala sa kanyang screen name na HRVY, ay isang English singer at presentor sa BBC sa programang Friday Download on CBBC sa Series 7 at 9.

Isa siyang Facebook sensation na na-engganyo lamang ng mga kaibigan niyang mag-upload ng kanyang pagkanta sa Social Media.

Noong 2013, sa tulong ni Blair Dreelan, dating leade singer ng boyband na East 17, nagkaroon agad siya ng kontrata sa Universal Music at nakapag-perform nan ang live. Sinundan agad ito ng release ng kanyang first hit single na “Thank You” bago matapos ang taon.

Taong 2016 naging permanenteng host na siya ng Friday Download. Dahil dito, naging regular ang pag-a-upload niya ng mga videos sa kanyang Youtube Channel, kasama na doon ang mga collaborations niya kasama ang ibang pop stars.

Noong isang taon, ni-release niya ang kanyang dalawang EP: Holiday EP at Talk To Ya EP kung saan kasama ang mga hit singles na “Phobia” at “Personal.”

Nito namang April 25, 2018, si HRVY ay nag-release ng panibagong single na may title na “Hasta Luego” kung saan kasama niya si Malu Trevejo, isang Cuban-American singer. Sa loob lang ng isang linggo ay pumalo sa seven million views sa Youtube ang kantang iyon.

Nito lamang May 2018 ay nagkaroon ng World Tour si HRVY kung saan siya ay pumunta sa Pilipinas. Nagkaroon ang chance ang Catch 22 Pilipinas na ma-interview si HRVY noong May 16, 2018.

HIT SINGLES

Personal by HRVY

Dear HRVY by HRVY

Holiday by HRVY feat. Redfoo

Hasta Luego by HRVY feat. Malu Trevejo

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.