Sino ba namang ‘di nakakaalam ng mga kantang “Worth It,” “Work from Home” at “That’s My Girl?”

Ilan lamang ‘yan sa mga kantang ipinasikat ng grupong Fifth Harmony.

Ang Fifth Harmony ay nagmula sa “The X Factor US” kung saan sila ay nanalo bilang Third Place noong July 2012.

Ang all girls group na ‘yan ay binubuo nila Ally Brooke, Normani Kordei, Dinah jane, Lauren Jauregui at ang kumalas na si Camila Cabello.

Kasunod lamang ng kanilang pagkapanalo sa The X Factor ay naglabas agad sila ng debut single titled “Miss Movin’ On na itinanghal na Certified Gold ng Recording Industry Association of America (RIAA) at nanalo naman ang music video nito sa MTV Video Music Award for Artist to Watch. naglabas naman sila ng album noong 2015 entitled, “Reflection” na nag-number five agad sa “Billboard 200” at Certified Gold ng RIAA. Laman din ng album na iyon ang mga platimun singles na “Boss,” “Sledgehammer,” at ang all time favorite na “Worth It.”

Sa kasalukuyan, nakabenta na ang Fifth Harmony ng humigit kumulang na 424,000 na kopya ng kanilang album, 7 milyong digital songs at 1.6 billion on-demand streams sa US.

Abangan ang Fifth Harmony sa kanilang concert dito sa Pilipinas na may pamagat na “The 7/27 Tour.” Magaganap ‘yan sa darating na April 7, 2017 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Maaari niyong i-follow ang Fifth Harmony sa Twitter at Instagram: @FifthHarmony

VIDEOGRAPHY

“Miss Movin’ On” -Fifth Harmony (First Hit Single)

“All in My Head” -Fifth Harmony feat. Fetty Wap (Official Music Video)

“Bo$$” -Fifth Harmony (Official Music Video, Single Version)

“Sledgehammer” -Fifth HArmony (Official Music Video)

“Worth It” -Fifth Harmony (Official Music Video)

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.