Ipinanganak noong October 10, 1982 si Rhoderick Ramos Santos o mas kilala natin sa pangalang Erik Santos ay patuloy na namamayagpag sa kanyang singing career, bilang isang aktor, commercial model at TV host.

Nagsimula an gkanyang passion sa pagkanta noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Mahilig siyang sumali sa mga singing contest na barangayan at sa iba’t ibang mga bayan.

Siya ay nag-aral sa Centro Escolar University ng Psychology matapos magshift galing sa Dentistry. Nahinto siya sa pag-aaral dahil sa busy schedule matapos manalo sa isang singing contest sa telebisyon. Nagtapos siya noong March 2010 matapos bumalik sa pag-aaral.

Taong 2003 nang siya ay manalo sa Star in a Million pero hindi naging madali ang lahat. Maganda ang naging simula ngunit na-eliminate siya noong pangatlong linggo ng competition. Nanalo siya sa wilcard at naging pang-sampu sa lahat ng finalists at naging isa sa mga tatlong finalists kasama si Sheryn Regis. Naipanalo ni Erik ang contest sa kantang ‘One in a Million.’

Taong 2004 nang mag-release si Erik ng debut album an ang title ay ‘This is the Moment’ at naging platinum ito tatlong buwan matapos ang release. Sinundan ito ng ‘Loving You Now’ album. Taong 2005, ‘I’ll Never Go’ album, naging platinum. Taong 2006, album na ‘Your Love’ na naging gold at platinum.

Nagkaroon siya ng unang Major Solo Concert noong December 2005 sa Marikina Riverbanks. nasundan naman ito noong October 2007 sa Araneta Coliseum kasama si Sam Milby, The Company, Nyoy Volante, Danita Paner at Ai-ai de las Alas.

Maaari niyong i-follow si Erik Santos sa kanyang Facebook page: @ErikSant0s

Bukas abangan ang panibagong episode ng 365 Live sa Catch 22 Pilipinas!

HIT SINGLES

365 Live Performance: I’ll Never Go by Erik Santos

365 Live Performance: Pagbigyan Muli by Erik Santos

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.