Kasama sina Andrew Taggart at Alex Pall, nabuo ang Chainsmokers dahil sa parehong interes ng dalawa sa pagdi-DJ.

Noong 2012, ang Chainsmokers ay unang nabuo kasama si Pall at ang DJ na si Rhett Bixler. Muli itong binuo bilang isang EDM DJ Duo sa pamamahala ni Adam Alpert sa New York City, USA. Ipinakilala ni Alpert si Taggart kay Pall. Nagsimula nang gumawa ang dalawa ng mga remixes ng mga indie bands. Ng parehong taon, nagsama sila ng isang Indian actress at recording artist Priyanka Chopra at nabuo ang hit single na “Erase” na nasundan naman agad ng “The Rookie” noong 2013.

Nagsimula ang pamamayagpag ng Chainsmokers noong kanilang unang performance para sa pagbubukas ng Timeflies sa Terminal 5 noong September 2014. Ang kanilang unang hit single na “#Selfie” ay nasa management na ng Dim Mak Records at na-release ulit noong January 2014 na siya namang naging daan para mailabas ito ng Republic Records. Nag-top 1 sa 25 na mga bansa ang hit single na ito.

Matagaumpay na naabot ng Chainsmokers ang tagumpay nang mag-number 1 sa Worldwide Charts at nanguna sa Dance and Electronic Songs chart.
August 5, 2014 noong ilabas ng Chainsmokers ang “Kanye.” Makalipas ang pitong buwan, na-release naman nila ang “Let You Go.” Nang sumunod na taon ay pumirma sila ng kontrata sa Disruptor Records na isang venture label ng Sony Music Entertainment.

October 2015 naman ng mai-release nila ang “Bouquet” kasama rito ang kanilang hit single na “Roses” na pasok sa Top 10 ng US Billboard Top 100. Pasok naman sa Top 5 ang single na “Don’t Let Me Down” at wagi ito sa Grammy Awards bilang Best Dance Recording. Nag-number 1 din ang “Closer” sa charts. Wagi din ang Chainsmokers ng American Music Award at limang iHeartRadio Music Awards.

Noong April 2017 lamang ay nag-release ang Chainsmokers ng debut album na “Memories…Do Not Open.”

Sa kasalukuyan, pasok ang The Chainsmokers sa Forbes’ World’s Highest Paid DJs list ngayong 2017 dahil sa earnings nila na may kabuuang $ 38 Million.

Ngayong araw ay magkakaroon ng concert ang duo na may title na The Chainsmokers Live in Manila. Gaganapin ‘yan sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Para sa updates maaari niyong i-follow ang The Chainsmokers sa kanilang Facebook Page @thechainsmokers .

VIDEOGRAPHY

Closer by The Chainsmokers feat. Halsey

Paris by The Chainsmokers

Something Just Like This by The Chainsmokers and Coldplay

Don’t Let Me Down by The Chainsmokers feat. Daya

Roses by The Chainsmokers feat. Rozes

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.