Young, beautiful, and crazy talented. Sinasabi ng karamihan na siya na ang susunod na Mariah Carey, ngunit alam ng lahat na kaya ni Ariana Grande na gumawa ng sarili niyang pangalan mula sa sarili niyang talento.
Ipinanganak bilang Ariana-Grande Butera o mas kilala bilang Ariana Grande ang 22 year-old na American singer at actress. Nagsimula sa industriya ang nasabing artist sa Broadway musical na 13 bago pa maging parte ng Nickelodeon television series na Victorious bilang Cat Valentine.
Nakilala si Ariana bilang isang singer sa soundtrack ng Music from Victorious noong taong 2011. Nailabas ang kanyang debut album na Yours Truly noong 2013 pagkatapos niyang pumirma ng recording contract sa Republic Records at naisama ang kanyang single na “The Way” sa top ten hit ng Billboard 100. Dito na nagtuloy-tuloy ang success ng nasabing singer kasabay ng paglabas ng kanyang second studio album na “My Everything” noong 2014, kasama dito ang mga sikat niyang kanta na “Problem” at “Break Free“. Sa mga kantang “Break Free“, “Problem“, “Bang Bang“, at “Love Me Harder“, nagpatuloy na maisama sa listahan ng Top Ten Billboard 100 ang singer.
Dahil sa kanyang galing sa larangan ng pagkanta, maraming awards na din ang natanggap ni Ariana kagaya ng New Artist of the Year sa 2013 American Music Awards, Music Business Association’s Breakthrough Artist of the Year, “Best Pop Video” sa 2014 MTV Video Music Awards, “Best Song” and “Best Female” sa 2014 MTV Europe Music Awards at dalawang Grammy Award nominations para sa Best Pop Vocal Album and Best Pop Duo/Group Performance.
Dahil dito, hindi naman nakapagtataka na marami ring Pilipino ang umiidilo sa nasabing singer lalo na ang mga kabataan. Kaya naman pinaka-aabangan ng lahat ang pagbisita niya dito sa bansa sa August 23 para sa kanyang Philippine’s Visit ng kanyang The Honeymoon Tour.

ariana-grande-manila-concert-ticket-prices-love-radio-featured-artist

Set List of The Honeymoon Tour

1. “Bang Bang”
2. “Hands on Me”
3. “Best Mistake”
4. “Break Your Heart Right Back”
5. “Be My Baby”
6. “Right There”
7. “The Way”
8. “Pink Champagne”
9. “Tattooed Heart”
10. “One Last Time”
11. “Why Try”
12. “My Everything”
13. “Just A Little Bit Of Your Heart”
14. “Love Me Harder”
15. “All My Love”
16. “Honeymoon Avenue”
17. “Break Free”
18. “Problem”

VIDEOGRAPHY

ARIANA GRANDE – Break Free feat. Zedd

ARIANA GRANDE – One Last Time

ARIANA GRANDE – Love Me Harder feat. The Weeknd

ARIANA GRANDE – The Way feat. Mac Miller

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.