Mula sa pagiging modelo, isa nang aktor, singer at sikat na influencer si Richard Reyes Faulkerson Jr. o mas kilala sa tawag na Alden Richards. Higit na nakilala si Alden sa longest noontime show na Eat Bulaga kung saan siya nagka-loveteam kasama si Maine Mendoza. Dahil dito nabuo ang “AlDub” at ang nationwide craze sa kanilang dalawa.

Pangalawang anak nina Richard Faulkerson Sr. at Rosario Reyes Faulkerson, isinilang si Alden noong January 2, 1992 sa Sta. Rosa. Laguna.
Nahirapan si Alden na makapasok sa mundo ng showbiz. Sumali siya sa Star Struck noong 2009 at Pinoy Big Brother noong 2010 ngunit hindi pinalad na makapasok sa parehong mga reality show.

Pero noong 2011, nagbukas ang panibagong oportunidad at siya naging bahai ng pang-teenager na serye tuwing hapon na Tween Hearts. Linggo-linggo din siyang napapanood noon sa Sunday All Stars at Party Pilipinas. Nakatanggap na rin ng mga natatanging parangal si Alden tulad ng Filipino Amazing Newcomer sa Yahoo! OMG! Philippines Awards noong 2011, gayundin bilang Pinakamahusay na Bagong Aktor sa Golden Screen Awards.

Agosto 2015 nang pasukin ni Alden ang music industry, lumagda siya ng kontrata sa GMA Records kung saan niya ginawa ang kayang awit na “Wish I May” na agad namang pumatok sa mga fans lalo na sa mga kabataan.

Successful ang naging solo concert ni Alden na may title na “Upsurge” noong nakaraang May 27, 2017 sa KIA Theatre, Cubao, Quezon City.

Sa kasalukuyan, mapapanood pa rin si Alden Richards sa noontime show na Eat Bulaga pati na rin sa Sunday Pinasaya.

Maaari niyong i-follow si Alden Richards sa Facebook @AldenRichards, Twitter at Instagram @aldenrichards02.

VIDEOGRAPHY

“Wish I May” by Alden Richards

“Haplos” by Alden Richards

“God Gave Me You” by Alden Richards

“Your Guardian Angel” by Alden Richards

“Rescue Me” by Alden Richards

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.