“A Drop Into the Blue” ‘yan ang darating na launching ng bandang binubuo nila Rocky Collado, Lakan Hila, Dino Pascual at Louie Poco.

Magaganap ang kanilang album launch sa June 15, 2019 sa Historia Bar sa Quezon City.

Handa na ang bandang The Bloomfield para maghatid ng mga bagong awitin na magpapa-delight ng experience ng mga audience sa kanilang album na mayroong 10 tracks. And they claim, sabi ng banda, ito ang kanilang best of the best album.

Ang album na ito ang culmination ng ilang taong paglikha ng album mula sa mga self-doubts at paulit-ulit na assessment at paulit-ulit na pagsubok.

Nahirapan ang banda upang hanapin ang sound na gusto nilang i-express pero ngayon ready na sila para sumali sa larger world ng music na isolated sila noon.

Ang album na ito ay bunga ng maraming genre: 50s surf rock, 60s British invasion, 70s psychedelia and funk, 80s new wave and 90s britpop.

Medyo may conflict daw ang paghalu-halo ng mga genre pero pagkatiwalaan daw natin mga Kabisyo ang The Bloomfields sa pagkakataong ito dahil nagawan nila ito ng paraan para mag-work.

Kung gusto niyo ng idea kung paano ang nangyayari sa ganoong klaseng mga genre, making daw kayo sabi ng banda! Dahil gumawa sila ng mga ganitong musika para magkaroon ng bagong thoughts at ideas na hindi nila ma-define sa isa lamang prose at conversation.

Maaari niyong i-follow ang The Bloomfields sa kanilang Twitter account @The_Bloomfields

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

HULI KA

TUTUT

ONE TIME NEVERMIND

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.