Hindi na bago sa atin ang bandang Imago. Isa sila sa mga pinaka-hinahangaang banda sa industriya dahil na rin siguro sa kanilang mga single katulad na lamang ng “Sundo,” “Akap,” at “Taralets” na matatandaang ni-release noon pang 2006.

Ang bandang Imago ay binubuo nila Zach Lucero (Guitar), Timothy Cacho (Guitar), Myrene Academia (Bass), at Mervin Panganiban (Drums), at kasama ngayon ang newest front-woman Kiara San Luis (vocals).

Ito ‘yung unang hit single ng Imago mula noong sila ay bumalik mula sa kanilang naging mahabang break sa music industry. May title ito na “Pag-ibig na Walang Balik.”

Para kang bumabalik sa dating mga OPM classics kung saan nakilala ang Imago pero ngayon may panibago na daw silang flavor.

Ayon sa banda, ang kanilang bagong single daw na highly-relatable ay tungkol sa unconditional love na nararanasan ng bawat isa. May iba ibang levels daw ito, at kahit ano pa man daw mangyari ay pipiliin mo pa ring magmahal.

Ang latest single na ito ng bandang Imago ay available sa Spotify, Apple Music, Deezer, and Amazon Music under Universal Records.

Maaari niyong i-follow ang Imago @imagomusic .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.