Sumikat siya sa kantang “Torete” noong siya ay miyembro pa ng bandang Moonstar88. Pero bilang isang solo artist pinasikat niya ang English version ng kantang One Love.

Mula 1995 to 1998, si Acel ay parte na rin ng “Orphan Lily.” Mula 1999 hanggang 2004, siya ang frontwoman ng bandang Moonstar88. Noong mga taon iyon ay nakapag-release sila ng dalawang album na may title na “Popcorn” noong 2001 at “Press to Play” noong 2002.

Noong 2007, nagrelease ng kanyang unang album si Acel na may title na “Silver Lining.” Ang album na ito ay mga mga single na may title na Laugh and Cry, Pakiusap, Sa Ngalan Ng Pag-Ibig, and Silver Lining at marami pang iba.

Kilala din siya dahil sa mga kinanta niyang theme songs ng mga Asianovelas na naipalabas sa mga telebisyon sa Pilipinas.

Para sa kanyang comeback ngayong 2019, hatid niya sa inyo ang bagong hit single na may title na “Your Universe.”
Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

PERFORMANCE

PITIK BULAG

YOUR UNIVERSE

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.