Si Mark Carpio ay isa sa mga pinaka-talentadong artist ngayon. Nakilala siya bilang isang real estate agent, isang Ateneo MBA graduate at ngayon isang sikat at magaling na singer at songwriter.

Nag-release siya ng unang album na mayroong 8 tracks at ang lahat ay siya ang nag-compose at siya mismo ang kumanta.Ang pagkakataong ito ay naganap mula noong iniwan niya ang mundo ng real state na business ng kanyang ama. Nangyari ito makalipas ang 17 taon sa nasabing industriya.

Ngayon mayroon siyang bagong hit single na ang title ay “Ako Na Lang Sana.” Ang love song na ito ay tumutukoy sa mga sakit at hindi kasiguraduhan ng pagmamahal sa isang tao na mayroong mahal na iba. Ang rendition ni Mark ng kantang ito ay lalong magpaparamdam sa’yo na hindi ka mahal ng taong mahal mo.

Magiging available ang hit single na ito sa streaming at pwedeng i-download sa Spotify, Apple Music and iTunes. Ito ay mula sa Warner Music Philippines.

Maaari niyong i-follow si Mark Carpio sa kanyang mga social media sites.

HIT SINGLE

Ako na lang Sana by Mark Carpio

Kay Tagal by Mark Carpio

FULL INTERVIEW

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.