Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Juris?

Nagsimula siya bilang vocalist ng bandang MYMP noong 2003. Sila ang nagpasikat ng mga kantang “Get Me,” Tell Me Where It Hurts,” “Especially For You,” at “Eternal Flame.”

Taong 2010 nang magsimula si Juris sa kanyang solo career. Sa pagkakataong ito, sumikat ang mga kantang “Di Lang Ikaw,” pati na rin ang kanyang kanta na “If You and Me.” Nag-release din siya ng mga revival ng “Officially Missing You” ni Tamia at “Opposites Attracts” na mula naman sa kanyang album na “Now Playing.”

Bumabalik ngayon si Juris Fernandez-Lim sa music scene tampok ang kanyang bagong hit single na may title na “Paano Kung.”

Fresh pa mula sa release nito noong February 15, 2019, “Paano Kung” ay tumutukoy sa istorya ng isang babae na nagkakaroon ng problema sa kanyang partner at panay tanong ng paano kung magkakaganito ang mga bagay bagay.

Ang comeback single na ito ay produced by Jonathan Manalo.

Available na ang “Paano Kung” sa mga digital music platforms sa buong mundo tulad ng Spotify, iTunes, Apple Music at Amazon.

Maaari niyong i-follow si Juris sa kanyang Facebook page @jurisfernandez .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

 

HIT SINGLE

Paano Kung

 

‘Di Lang Ikaw

 

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.