Well, alam naman natin na hindi lang basta award-winning actress si Glaiza de Castro, pero isa rin siyang freed soul na singer-songwriter!

After ng success ng kanyang album noong 2017 na may title na “Magandang Simulain,” dahil na rin sa libu-libong streams nito sa Spotify kaya naman ni-release ngayon ang panibagong single na may title na “Kapalaran” na under ng PolyEast Records.

Ang kantang “Kapalaran” ay isinulat mismo ni Glaiza de Castro kasama ang kanyang close friend at aktor na si Alwyn Uytingco.

“We all have gifts or skills or talents and whatever it is that you feel you like to do, yun ang kapalaran mo”, sabi ni Glaiza. Gusto niyang i-encourage ang mga listeners na i-achieve ang lahat ng pangarap natin sa buhay kahit ano pa man ang sabihin sa atin ng mga tao. Tadhana natin ito.

Gusto rin ni Glaiza ang mga words ni Juan Miguel: mayroong sincerity at power to communicate. Kaya naman bukod sa melody at range ng kanta, ‘yung mga spoken verse ni Juan Miguel ay nagdagdag pa ng spice sa awitin para lalo pang maging soulful at heartfelt. “Perfect siya sa song kasi I wanted to convey a strong message and it’s impossible not to listen to him when he says something,” sabi ni Glaiza.

‘Yun nga palang lyrics at melody ng “Kapalaran” ay gawa mismo ni Glaiza, dagdag pa ang mga inspiring na personal experience ni Alwyn Uytingco ang siyang nagdala ng unique vibe arrangement ni Axel Fernandez kaya naman ito ay naging kakaiba at close to perfection.

Maaari niyon i-follow si Glaiza de Castro sa kanyang official Facebook page @glaizaredux.

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

ANG HIMIG NATIN

KAPALARAN

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.