Itinuturing nang beterano sa industriya dito sa Pilipinas dahil sa kanilang galing at sa dami ng kanilang fans. Mayroon ngayong bagong single ang bandang Mayonnaise.

Matapos manalo sa Red Horse Musiklaban noong 2004 at makapaglabas ng mga hit single Bakit Part 2 at ang popular na Jopay, mayroon silang inilabas na album na may 20 tracks na may title na Gusto Ko Lang Kasama Ka Palagi Pero Hindi Pwede.

Gusto Ko Lang ang unang release mula sa album na ito. Sa birthday ng kanialng frontman na si Monty Macalino, mag-rerelease pa ulit ang banda ng isang repackaged version kung saan may kasama itong recording ng Gusto Ko Lang na produced by Abbey Road Studios, isa pang acoustic version at isa pang kanta mula sa album na hindi pa nai-rerelease.

Gusto Ko Lang ay available sa Spotify, Apple Music, iTunes, Deezer at sa lahat ng digital stores sa buong mundo simula January 14, 2019. Mag-release din ang banda ng music video at isang short film kasama ang MYX VJ na si Sharlene San Pedro.

Maaari niyong i-fllow ang Mayonnaise sa kanilang mga social media accounts: @mayonnaiseph sa Facebook, @mayonnaisemusic sa Twitter at Instagram at subscribe sa kanilang Youtube Channel.

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

HIT SINGLE

Gusto Ko Lang

 

Jopay

 

Tayo Na Lang Dalawa

 

FULL INTERVIEW

 

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.