BTS o mas kilala bilang Bangtan Boys o “Bangtan Sonyeondan” sa Korean, ay isang boy band na binuo ng Big Hit Entertainment. Ang ibig sabihin naman ng band name nila sa Ingles ay ” Bulletproof Boy Scouts” dahil na rin sa nakilala sila sa leather outfit nila sa mga events at appearances.

Kabilang sa grupo ay pitong na-gwa-gwapuhang mga lalaki na sina Rap Monster (Kim Nam-joon), Jin (Kim Seok-jin), Suga (Min Yoon-ki), J-hope (Jung Ho-suk), Ji-min (Park Ji-min), V (Kim Tae-hyun) at Jung-gook (Jeon Jung-gook).

Naglabas sila ng kanilang debut single album noong June 13, 2013 gamit ang kantang “No More Dream” na galing sa kanilang unang album na “2 Cool 4 Skool” kung saan marami silang beses nabigyan ng award na “New Artists of the Year.”

Lalo pang nakilala ang BTS dahil sa trilogy ng “The Most Beautiful Moment in Life” kasama ang “The Most Beautiful Moment in Life Part 2” nito at ang “The Most Beautiful Moment in Life: Young Forever ” kung saan pasok ito sa Billboard 200. Wagi naman bilang Album of the Year “The Most Beautiful Moment in Life: Young Forever” sa 2016 Melon Music Awards.

Lalo pang namayagpag ang grupo sa pag-release ng Second Full Album na “Wings” na nag-Number 1 sa iTunes sa 26 na mga bansa. Nag-number 26 naman sa Billboard 200 ang “Wings,” ang pinakamataas na naabot ng isang K-Pop album. Naging first million seller naman ang BTS sa South Korea nang makapag-release sila ng humigit kumulang na 3.4 million na kopya ng album worldwide.

Madaling nagustuhan ng mga millenial ang mga kantang gawa ng BTS dahil tumutukoy ito sa mga isyung kinakaharap ng mga teenager sa panahon ngayon.
Abangan ang “The Wings Tour: BTS Live Trilogy Episode III in Manila” sa May 6, 2017 na gaganapin sa SM Mall of Asia, Pasay City.

VIDEOGRAPHY

“I Need U” -BTS (Official Music Video)

“Boy in Luv” -BTS (Official Music Video)

“Blood, Sweat and Tears” -BTS (Official Music Video)

“Save Me” -BTS (Official Music Video)

“Spring Day” -BTS (Official Music Video)

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.