Sino ba’ng hindi nakakaalam ng kantang “Every Woman in the World,” “All Out of Love,” “Making Love Out of Nothing at All?” Ilan lamang ‘yan kantang pinasikat ng Soft Rock Duo na Air Supply.

Binuo nina Graham Russell at Russell Hitchcock Air Supply noong 1976 sa Melbourne, Australia na sila rin namang naging mga bokalista nito.

Natamo ng Air supply ang kasikatan dahil sa succession ng mga hits na mayroon sila noong early 1980s kasama ang walong mga awitin sa United States at napabilang din naman sila sa Hall of Fame ng Australian Recording Industry Association (ARIA) noong 2013.

Naging multi-platinum ang kanilang mga album na Lost In Love, The One That You Love, at Now and Forever at Air Supply’s Greatest Hits na nakaabot sa 3 Million na kopya ang nabenta. Wagi naman ang kantang “Lost in Love” bilang BMI Award for most play song of 1980. Kinilala sila bilang Best Pop Group of 1981 sa American Music Awards. Pasok naman sa Top 5 ang unang anim na hit singles nila na naging dahil kung paano sila napasok sa Plateau in the History of Recorded Music.

Ngayong 2017, ipagdiriwang ng Air Supply ang kanilang ika-42 na anibersaryo bilang isang banda.

Noong 2016, napabalita na magkakaroon sila ng concert, December 6 sa Cebu at December 8 sa Manila ngunit ang concert ay hindi natuloy dahil dahilang pangkalusugan ng isa sa mga bokalista na si Russell Hitchcock. Wagi naman sila ng Best in Foreign Language sa Del Auditorio Awards noong 2004.

Matutuloy na ang naudlot na concert ng Air Supply sa March 8, 2017 na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa ParaƱaque City.

Maaari niyong i-follow Air Supply sa Facebook: Air Supply Music

VIDEOGRAPHY

“Every Woman in the World” -Air Supply (Official Music Video)

“All Out of Love” -Air Supply (Official Music Video)

“Making Love Out of Nothing at All” -Air Supply

“The One that You Love” -Air Supply

“Lonely is the Night -Air Supply

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.