1Jan

Ipinagbabawal man sa trabaho nila ang pakikipagrelasyon, pinayagan ng kanilang amo si Jan at ang kanyang nobya na ipagpapatuloy ito ngunit may mga limitasyon. Ngayong may basbas na sila ng kanilang amo, isang dating manliligaw naman ng girlfriend ni Jan ang patuloy na nanggugulo sa kanilang buhay at trabaho.

Listen and Comment

2She

Mula sa biruan at tuksuhan sa opisina nagsimula ang namuong espesyal na pagtitinginan ni She at ng kanyang close friend. Hindi nagtagal, nauwi ito sa suyuan ngunit bigla namang tumigil ang kanyang manliligaw kung kailan pa naman nagugustuhan na siya ni She.

Listen and Comment

3Kaye

Aminado si Kaye na malaki ang pangangailangan niya sa atensyon. Dahil dito, unti-unting nahuhulog ang loob ni Kaye sa katrabaho niyang nagbibigay ng espesyal na atensyon sa kanya kahit pa parehas silang may mga karelasyon na.

Listen and Comment

4Mhae

Iniwan si Mhae ng kanyang iresponsableng asawa para sa isang babaeng naktrabaho nito noong nagbubuntis pa lamang siya. Ngayong nag-iisa na lamang si Mhae at ang kanyang anak, patuloy pa rin siyang ginugulo ng kabit para ipamukha kay Mhae ang ginawang pang-iiwan sa kanya ng asawa.

Listen and Comment

5Rommel

Sunod-sunod na problema sa negosyo at pera ang nagtutulak kay Rommel na tanggapin ang alok na trabaho ng kanyang dating kabit sa ibang bansa. Bagama’t “mahal” daw niya ang kanyang asawa, alam ni Rommel na siguradong may mangyayari sa kanila ng mistress niya kapag sumunod siya. Ano kaya ang payo ni Papa Jack?

Listen and Comment

WEEKLY TOP 10 SONGS

View All